*yeheyyy* day off ngayon ng karamihan ng production staff namin. may ilang pinapasok para magtrabaho. dahil wala masyado akong ginagawa (tinatamad lang talaga ako!), naisipan kong linisin ang drawers ng desk ko. tinanggal ko na yun mga kagamitan ko at inilagay sa isang malaking kahon. mabuti na yun maaga akong nagaayos para wala na akong iintindihin pa sa huling araw (dec 15) ko sa'king trabaho. iiwan ko sana yun ibang bagay dun kaso parang ayaw kong bitawan *hehehe* dinala ko sa bahay yun calculator at stapler. might as well take advantage of these since libre naman sila *hahaha* libre school supplies... wala naman gagamit nito kaya mabuti pa at iuwi ko na lang. sarap talaga ng feeling kapag aalis ka na! ![]()