maaga akong nagising kanina. magsisimba kami ni mama saka meron kaming praktis sa choir. special ang araw na ito. mother's day ngayon. nagbigay ng chocs ang parish church namin sa bawat ina na nagsimba kanina. kasama na dito si mama. pagkatapos ng misa, umuwi na kami. binigay ko kay mama ang mug na binili ko noong isang linggo. maganda ang mensahe nito na nakatatak sa mug "behind a great kid is a great mum." mahilig kasing mag-tea si mama kaya naisipan kong ibigay ito. gusto kasi ni mama na malaki ang basong gagamitin niya kaya bagay na bagay ang mug na iniregalo ko.
nag-book ako ng restaurant kung saan 14 katao ang dadalo para sa mother's day. lunch ito kaya nagkita ang lahat sa restaurant ng 12.00pm. nandoon ang bunso kong kapatid saka ang kanyang kaibigan, ang dalawa kong kapatid na babae kasama ang kanilang pamilya. dumalo din ang magulang ng bayaw ko kasama ang kanyang dalawang kapatid. hindi nakasama ang kapatid kong lalake saka pamilya niya pero tumawag siya kanina para batiin si mama ng "happy mother's day." sa bahay lang daw sila nagcelebrate kasama ang in-laws niya.
masaya kami sa restaurant. masasarap ang mga pagkaing inorder namin. meron libreng champagne na ibinigay kay mama. busog na busog lahat. punong-puno ng tao ang restaurant.
pagkatapos ng lunch, dumaan kami sa mall. kailangan kasi namin bumili ng regalo ni mama. meron silang pupuntahan party ni papa next sunday. bday ng friend nila saka communion ng anak. kaya dalawang malaking celebration ito. nakabili din ako ng regalo para sa anak ng kaibigan ko. bibinyagan ang anak niya sa may 28.
konting pasyal sa ibang shops at umuwi na kami. sa bahay kasi maghahapunan ang mga kapatid ko. masaya si mama. binigyan namin siya ng flowers na nakalagay sa terracotta pot. mahilig kasi si mama sa mga halaman. maliliit pa yun mga bulaklak. sabi nung florist, mga anim na buwan daw magbubunga ng maraming bulakblak ito.
nakakapagod pero masaya ang celebration namin ng mother's day para kay mama. we love you very much! salamat po sa oras na binibigay niyo sa'min araw-araw.
HAPPY MOTHER'S DAY MAMA
AND
TO ALL THE MOTHERS IN THE WORLD!!!
sis, i like the text displayed sa mug ng mama mo:
"behind a great kid is a good mum." this is so true. greetings to our
wonderful mothers!
thanks sis. hope your mum had a fab mother's day :) ingatz
jaleesa, belated happy mom's day, and one year to your blog!