
ang bilis talaga ng panahon. 1 year na ang blog site ko! iba't ibang kuwento at photos ang nasaksihan niyo dito. meron saya, lungkot, galit, inis, asar, nakakakilig at mapamukaw loob ang mga kuwentong ibinahagi ko sa inyo. marami akong nakilala at naging mga kaibigan sa mundo ng pagbla-blog. sila ang nagbigay ng inspirasyon, lakas ng loob at suporta sa'kin.
malagu aka barenaked - ang aking blog mentor. ang kauna-unahang blog na nabasa ko habang nagsi-surf ako sa net. isa-isa kong binasa ang blog entries mo at sobrang aliw ako! iba ka talaga teacher!
katz - salamat sa mga kwentuhan natin. hindi ko makakalimutan ang "pancit molo" at ang mga photos ng napuntahan mong lugar.
laryuki at airwind - marami akong natutunan sa inyong dalawa. thanks for your time saka sa fridge magnet. mas sobra pa kayo sa energiser bunny.
nix - a cool and funny friend indeed! a book lover and a movie freak. i can't keep up with the movies you have watched. see you again.
tita bing aka juliet - a very smart person and always there to give advice.
to all readers, visitors and friends, taos puso akong nagpapasalamat sa inyo. sana hindi kayo magsawang magbasa ng aking blog.
HAPPY 1st BIRTHDAY OF BLOGGING!!!
God works in mysterious ways. My new blog is only five days old. Yours is
now one year old. Yet God made sure our listing at Pinoyblog was almost
simultaneous.
Congratulations.
a year full of inspiring entries.. many more blogging years to come.
congratulations sis.
wow HAPPY BIRTH DAY sa blog mo jaleeza!!!
peterlavina, thanks for dropping by and the comments you have made.
hey! happy 1st anniversary ng blog mo tama ka ang bilis talaga ng panahon
ako naman yung blog ko naka 4 months na pala mahigit at andito na rin ako
sa pinas ngayon
194 entries.. dami sis, mas madami pa kesa sa'kin. dami mo pang comments.
anyway, as usual busy sa work. parang umuuwi na lang ako para matulog. tsk
tsk tsk.
katz, di nga ako makapaniwala na nakapagsulat ako ng 194 entries. mahirap
din kasing magisip ng topic lalo na kapag wala ka sa mood.
belated happy anniv sa blog mo at belated happy bday ulit! :)
ok lang yun malagu :) thanks sa greeting at sa pagdalaw mo. don't worry,
kahit late ka, ikaw pa rin ang number 1 mentor ko :) nandito ang blog ko
dahil sa encouragement and support mo. di ba sabi mo, "you can write about
anything. just be yourself." ingatz